Nagsisimula nang magsagawa ng imbestigasyon ang Department Of Education (DepEd) kaugnay sa umano’y pagbebenta ng mga malalaswang litrato at video ng ilang estudyante para matugunan ang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno, nangangalap na ng impormasyon ang ahensya sa mga field offices nito kaugnay sa nasabing ulat.
Dahil seryoso at sensitibo umanong kaso na maituturing ang child exploitation, tutukan ito ng child protection unit ng DepEd.
Una rito nagpahayag na ang DepEd ng pagkaalarma matapos mapaulat ang mga ginagawa ng ilang kabataan para matustusan ang kanilang pag-aaral.