Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nakahanda na sila para sa Halalan 2022 sa Mayo 9.
Ayon kay DepEd Director Marc Bragado, tiyak na maghihigpit ang kanilang mga tauhan lalo na sa pagpapatupad ng minimum public health standards sa mismong araw ng eleksyon.
Aniya, nasisiguro kasi nilang magiging mahaba ang pila sa mga voting precints kaya’t magiging istrikto sila sa pagpapatupad ng social distancing.
Dagdag nito, magkakaroon ng isolation polling place, medical help desk, at voter assistance desk po sa bawat voting area para hindi na mahirapan pa ang mga botante.
Pagdating naman sa isolation polling place, limang katao lamang ang papayagan.
Ni-require rin nila na dapat fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga magsisilbing guro at hindi dapat lalagpas sa 60 ang edad.