Nakatakda nang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang revised curriculum para sa academic year 2020-2021.
Ipinabatid ni Education Undersecretary Nepmuceno malaluan na nakapaloob na sa panibagong curriculum ang most essential learning competencies (MELC) na kaagad sisimulan sa taong ito.
Kabilang sa learning competencies aniya ang mga kaalaman, kasanayan at ugaling kinakailangang maipakita ng mga mag aaral sa kada aralin.
Sinabi ni malaluan na 60% ng MELC’s ang tinanggal kayat nasa halos anim na libo na lamang ang natira para sa papasok na school year dahil na rin sa dalawang taong pag aaral na naglalayong matugunan ang congestion at overlap ng K to 12 curricula.
Kasabay nito tiniyak ni malaluan na bumabanglangkas na ng solusyon ang DepEd schools divisions para ma plantsa ang mga gusto sa sektor ng edukasyon sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.