Nakiisa ang Department of Education (DepEd) sa pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) month ngayong Agosto.
Ito ay bilang pagsunod sa Proclamation no. 282 series of 2017 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong August 8, 1967 itinatag ang ASEAN na binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar at Cambodia.
Bilang miyembro ng ASEAN, mayroong malaking papel ang Pilipinas para isulong na maging matatag ang ugnayan ng mga bansa, pagpreserba sa kultura, kalakalan at marami pang iba.