Inihayag ni Department of Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health para sa pagpapalawig ng oras ng expansion phase ng in-person classes.
Aniya marami pang dapat na ikonsidera ang kagawaran bago magdagdag ng oras sa face-to-face classes dahil iniiwasan nila na magkaroon ng mabahang exposure ang mga mag-aaral sa school setting.
Dagdag pa ni Malaluan, naglabas na ng panuntunan si Education Secretary Leonor Briones sa posibleng pagpapahaba ng oras ng nasabing klase kung saan sinabi pa nito na hindi sa paaralan manananghalian ang mga estudyante.
Matatandaang tatlong oras lamang ang inilaan sa kindergarten habang apat na oras sa higher grade levels. -sa panulat ni Airiam Sancho