Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education sa Department of Public Works and Highways upang matiyak na handa na ang mga paaralan sa pagsisimula ng School Year 2022–2023.
Ito’y ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Tan Poa nang tanungin kaugnay sa paghahanda ng kagawaran sa posibleng kakulangan sa mga silid-aralan at paaralan.
Sinabi pa ni Poa na mayroon pang mga bagay na kailangang mailatag sa DPWH para sa preparasyon sa paparating na academic year.
Mababatid na binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address kahapon na dapat na masigurong ligtas para sa mga guro, estudyante at academic community ang mga silid-aralan sa oras na isagawa na ang face-to-face classes.