Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng monthly load allowance sa 277,381 mga guro at non-teaching personnel.
Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang allowance para sa internet connectivity load ay itinakda sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan 2.
Makatatanggap ang bawat guro o personnel ng kabuuang 102 gigabytes ng data sa loob ng tatlong buwan o 34 gigabytes kada buwan.
Habang ang karagdagang 4 gigabytes naman na data kada buwan ay nakalaan para sa paggamit ng ibang application.
Sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na sapat ang nabanggit na bilang para sa pangangailangan ng mga guro upang ma-access ang e-learning apps. —sa panulat ni Hya Ludivico