Nagsagawa ng call for donation activity sa mga pribadong sektor ang Department of Education (DepEd) na ginanap sa City State Tower Hotel sa Maynila ngayong araw
Ito’y para sa pagsasaayos ng mga paaralang nasalanta ng mga nagdaang kalamidad gaya ng Bagyong Paeng, Karding , Neneng at ng lindol na tumama sa bansa
Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) Dir. IV Ronilda Co ito’y dahil Bagyong Odette pa lamang ubos na ang pondo ng ahensya para ngayon taon sa pagsasaayos ng mga nasirang paaralan
Bukod pa rito nawagan din ng donasyon ang kagawaran para sa mga kagamitang kakailanganin ng mga guro at estudyante gaya ng mga upuan, lamesa , teaching at learning materials.
Sa presentasyon ng DepED inisa-isa nito ang halaga ng pinsalang naidulot ng mga kalamidad at ang kakailanganin pondo para sa pagsasaayos nito na sinabi ni Dir. Co ay wala pang budget hanggang ngayon.
Gayondin ang mga programa ng DepED para sa mga guro, estudyante at school personnel na biktima ng sakuna
Kabilang na rito ang mental and psychosocial services at child protection in emergencies
Habang ayon naman kay EPS DIR. III Edel Carag as of September nasa P26-B na ang halagang nalikom nito para sa pagsasaayos ng mga eskwelahan na nasalanta ng mga kalamidad sa bansa
Samantala kasama sa mga pribadong sektor na dumalo sa naturang aktibidad ang ALC Group of Companies, City State Savings Bank at Fortune Life. - sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).