Nanawagan sa mga magulang ang Department of Education na samantalahin ang early registration o ang maagang pagpapatala para sa School Year 2022-2023.
Ito ay para masigurong nakarehistro ang mga mag-aaral na papasok sa bagong school year at mapaghandaan ng DepEd ang ibat-ibang suliranin at pangangailangan ng mga estudyante.
Hinihikayat ni Education Secretary Leonor Briones ang mga incoming Kinder Garten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 para sa lahat ng public elementary at secondary school na makiisa sa kanilang pagtala upang masuportahan ang pagpaplano ng kanilang ahensya.
Sinabi naman ni Briones na ang mga ikinukunsiderang pre-registered ay hindi na kailangang makibahagi sa early registration kabilang na dito ang mga incoming Grade 2 hanggang Grade 6, Grade 8 hanggang Grade 10 at Grade 12.
Matatandaang hinimok ng DepEd ang mga pampublikong paaralan na simulan na ang early registration sa mga estudyante na nagsimula noong Marso 25 at tatagal hanggang sa katapusan ng Abril. —sa panulat ni Angelica Doctolero