Muling nanawagan si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga paaralan na paigtingin ang kanilang pagtugon kontra bullying na bumabalot sa lipunan.
Kaugnay ito sa kaso ng pambubully ng isang junior highschool student sa kanyang kamag-aral sa Ateneo De Manila University (ADMU) sa Quezon City na nag-viral pa ang video sa social media.
Ayon kay Briones, ikinukunsidera nila ito bilang unang hakbang upang maresolba ang mga kaso ng pam-bu-bully sa mga paaralan.
Bagaman maaaring i-dismiss ang estudyanteng bully sa Ateneo, hindi naman aniya agad ito mareresolba lalo’t hindi lamang ito problema ng paaralan kundi ng lipunan.
Hinimok naman ng kalihim ang lahat ng eskwelahan na repasuhin ang kanilang panuntunan sa pagtugon sa mga kaso ng bullying.