Nangangailangan ang Department of Education ng mga 53,000 na mga bagong guro ngayong pagpasok ng school year.
Sinabi sa DWIZ ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na ang mga bagong guro ay itatalaga mula Kindergarten hanggang sa high school.
Ayon kay Mateo, may hiring sila ng mga bagong guro bilang bahagi ng pagpapalakas ng kagawaran .
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Dep Ed Undersecretary Jesus Mateo
Sinabi pa ni Mateo na bukod sa hiring ng mga bagong guro ay bibili rin sila ng mga bagong computers bilang bahagi ng modernisasyon ng kagawaran.
Deped Ed walang balak tangalin ang algebra at calculus
Walang balak ang Department of Education na alisin sa kanilang curriculum ang subject na Algebra at Calculus.
Sa harap ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang nabanggit na mga asignatura dahil hindi naman aniya nagagamit sa pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino.
Sinabi sa DWIZ ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, wala pang ganitong hakbang ang kagawaran kahit pa hiniling ito ni Pangulong Duterte.
Sinalungat ni Mateo ang pananaw ng Pangulo sa pagsasabing nagagamit din ang nabanggit na mga asignatura sa tunay na buhay.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Dep Ed Undersecretary Jesus Mateo
By: Aileen Taliping