Nangangailangan ang Department of Education ng mahigit sa 23,000 na bagong guro.
Ayon kay DEPED Undersecretary Jesus Mateo, partikular na magtuturo ang mga nasabing guro sa mga senior high school.
Ang paghahanap din ng mga gurong eksperto sa academic tracks ang mariing hinahanap ngayon sa senior high school.
Sinabi pa ni Mateo na ang bagong sistema ng edukasyon sa ating bansa ay naglalayon na mapagbuti ang kalidad ng basic education at maihanda ang mga highschool graduate para sa kanilang tatahaking kurso sa kolehiyo.
By: Meann Tanbio / Allan Francisco