Nangangailangan ang Department of Education o DepEd ng mahigit 75,000 bagong guro ngayong taon.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, naglaan na ang DepEd ng 15 billion pesos na pondo para sa mga bagong guro.
Kailangan anya ng karagdagang mga teacher dahil target ng kagawaran na mapababa ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase.
Aminado si Mateo na bagaman wala namang kakulangan sa mga guro, nais nilang mapagbuti ang learning environment at kalidad ng edukasyon.
—-