Umabot na sa 409 million pesos ang kailangang pondo para sa rehabilitasyon ng mga paaralang nasira ng baha bunsod ng malakas na ulang dala ng shear line.
Ayon kay Department of Education (DEPED) Spokesperson Michael Poa, may kabuuang 42 paaralan ang nasira o napinsala sa kalamidad.
Magbibigay anya ng temporary learning spaces ang DEPED para sa mga paaralang apektado habang pansamantalang gagamit ng mga alternatibong paraan upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral. – sa panulat ni Hannah Oledan