Pinangunahan ni Education Secretary Armin Luistro ang pagbubukas ng 3 araw na National Literacy Conference sa DepEd Echotech Center sa Cebu City simula ngayon hanggang October 2.
Kasama ng DepEd sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council ang iba pang government organizations, local government units, private organizations at non-government organizations sa pulong na mayroong paksang Educational Justice and New Literacies.
Layon ng 3 araw na conference mapalawak ang sakop, ang kahulugan at pagpapatupad ng mga bagong literacies, pagkakaroon ng palitan ng karanasan pagdating sa paggamit ng literacies na mahalaga sa pagkakaroon ng education justice.
Nakapaloob sa 3 araw na conference ang mga diskusyon para sa digital literacy, socio-cultural literacy, media literacy and political literacy.
Magiging highlight rin sa conference ang pagbibigay ng hall of fame awards para sa bayan ng Plaridel Bulacan para sa kapuri-puring accomplishment nito pagdating sa literacy development.
By Len Aguirre