Binigyang diin ng Department of Education na labag sa batas ang panukalang mandatory testing sa mga grade 4 students pataas.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, labag ito sa Republic Act 9165 na nagtatakda na maari lamang isailalim sa random drug testing ang mga estudyante sa sekondarya at kolehiyo.
Maari aniyang maging bangungot o nightmare ang panukalang ito ng PDEA dahil 14 na milyong estudyante mula grade 4 hanggang 12 ang sangkot dito.
Marami aniyang dapat isaalang alang lalong lalo na ang privacy ng mga menor de edad gayundin ang magiging gastos dito.