Ipinaalala ng Department of Education (DepEd) na ngayon ang huling araw para sa mga late enrollees sa mga pampublikong elementarya at high school.
Ayon kay Education Assistant Secretary Jesus Mateo, sapat na ang 5 araw na palugit para makahabol ang mga hindi pa nakakapag-enroll na estudyante.
Ipinabatid ni Mateo na marami pa sa mga nagpapa-enroll ang mga mag-aaral na galing sa private school patungo sa public school.
Batay sa tala ng DepEd, aabot na sa 250,000 estudyante ang lumipat sa mga pampublikong paaralan.
By Ralph Obina