Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na simulan na ang pagpapatupad ng make up classes kasunod ng halos isang linggong suspensiyon dahil sa masamang panahon nitong nakaraang linggo.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, ito ay para makumpleto pa rin ang 180 days na itinatakdang pasok ng DepEd kada school year.
Mas mabuti aniyang simulan na ang make up classes kada quarter ng taon upang hindi na ito maipon hanggang sa pagtatapos ng klase sa Marso o Abril.
Kabilang sa mga puwedeng ipatupad ng pampubliko at pribadong paaralan ay ang extension ng oras ng klase, pagpapatupad ng Saturday classes o kaya naman ay pagpapauwi ng mga module na puwede pag-aralan ng mga bata sa kanilang mga tahanan.
By Rianne Briones