Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang patuloy na pagtugon sa umano’y bumababang kalidad ng edukasyon.
Kasunod ito ng paglabas ng low proficiency level sa National Achievement Test (NAT) sa budget briefing ng house appropriations committee sa panukalang 2020 budget ng DepEd.
Ipinabatid ni Education Secretary Leonor Briones na nirerepaso na nila ang curriculum mula Kindergarten hanggang Senior High School (SHS) para maisaayos ang alignment sa content standards, performance standards, at competencies.
Sinisikap din aniya ng DepEd na isailalim sa training programs ang mga guro para mai-angat ang kapasidad ng mga ito.
Sinabi ni Briones na sa ngayon ay 900K lang ang guro sa bansa habang mahigit 27M ang mag aaral kaya kailangang tugunan pa ang pag mobilize sa teaching personnel.