Masusing pinag-aaralan ngayon ng Department of Education (DepEd) kung paiiksiin ang summer break ng mga estudyante.
Ipinunto kasi ni Education Secretary Leonor Briones ang posibleng epekto ng hindi pagpasok ng mga bata sa paaralan.
Paliwanag ni Briones, halos inabot na ng anim na buwan ang bakasyon ng mga estudyante dahil sa pagpapaliban ng pagbubukas ng klase bunsod ng banta ng COVID-19.
Ani Briones, kung magtatakda pa ng bakasyon, tila na-extend pa ang anim na buwan kung saan hindi sila pumapasok.
Ngunit ayon kay Briones kung mapatunayan naman nila na kailangan o makatutulong ang school break sa academic ease, ay gagawin nila ito.
Nagsimulang magbukas ang School Year 2020-2021 nuong Oktubre 5 sa pamamagitan ng blended learning bilang pag-iingat sa mga estudyante sa banta ng COVID-19.