Hinimok ng Isang Health Expert ang Department of Education (Dep ED) na maglabas na ng datos kaugnay sa hawaan ng COVID-19 sa mga paaralan.
Ito ang sinabi ni Dr. Tony Leachon isang linggo bago magsimula ang full implementation ng face-to-face classes na patuloy aniyang nagdudulot ng pangamba sa kalusugan.
Ayon kay Leachon, dapat na maging transparent ang doh sa mga inilalabas nitong datos.
Makatutulong aniya ito upang agad na makatugon ang mga paaralan at komunidad at mapigilan ang anumang COVID-19 outbreaks.
Una rito, sinabi noon ni Leachon na posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil hindi naisasama sa COVID-19 tally ang resulta ng rapid antigen tests.
previous post