Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang kanilang School Safety Assessment Tool (SSAT).
Para ito sa ligtas, epektibo at episyenteng pagpapalawak ng face-to-face learning.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2.
Isinagawa ang programa batay sa monitoring at evaluation, matapos ang pilot implementation ng in-person learning.