Pinababantayan ng Department of Education (DepEd) sa Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga school supplies sa merkado ngayong pasukan.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nakipag-ugnayan na sila sa DTI para matiyak na walang mananamantala sa presyo ng mga notebook, papel, ballpen, bag, school uniform at iba pa.
Maliban dito, hiniling rin nila sa DTI na maglabas ng listahan ng suggested retail price ng mga school supplies upang magkaroon ng guide ang mga magulang sa kanilang pamimili.
Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng kagawaran sa DTI para matiyak na walang mang-aabuso sa pagpasok ng mga bata.