Pinaplantsa na ng Department of Education ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga high school student maging ng mga secondary at elementary teacher bilang suporta sa kampanya kontra droga ng Duterte administration.
Sa memorandum ni Education secretary Leonor Briones, ipinag-utos nito ang pagsasagawa ng training at orientation para sa mga public school official bilang paghahanda sa drug test alinsunod sa national drug education program.
Magsisilbi anya itong batayan upang bumalangkas ang kagawaran ng action plan kung paano isasagawa ang testing.
Isasailalim din sa drug test ang mga personnel mula central, regional at school division office.
By Drew Nacino