Pinapayagan na ng Department of Education ang mga Muslim Employee nito na mag-adjust ng oras ng trabaho bilang paggunita sa banal na buwan ng Ramadan na magsisimula sa Mayo 27.
Sa isang memorandum, inihayag ng DEPED na maaaring simulan ng mga Filipino-Muslim sa Central at Field Office sa buong bansa ang kanilang trabaho sa pagitan ng Ala 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga hangga’t makumpleto nila ang walong oras nang walang break sa umaga, tanghali o hapon.
Ayon kay Education Undersecretary Alberto Muyot, ang adjustment ay pagtitiyak na magpapatuloy ang mabilis at maayos na serbisyo publiko ng kagawaran.
Nirerespeto anya ng DEPED ang karapatan ng mga Filipino Muslim na mag-ayuno sa buwan ng ramadan hanggang Hunyo 25.
By: Drew Nacino