Plano ng Department of Education (Deped) na magkaloob ng ‘safety seal’ sa mga paaralang makakapasa sa asessment at evaluation ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Deped Planning Service Director Roger Masapol, ito’y para matiyak na handaang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Nobyembre a-kinse.
Ani Masapol, nakipag-usap na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa mekanismo ng pagbibigay ng safety seal.
Kung maaprubahan aniya ay unang makakataanggap ang isang daang pampublikong paaralan sa bansa na lalahok sa dalawang buwang pilot implementation ng limited face-to-face classes. —sa panulat ni Airiam Sancho