“It takes two to tango”
Iyan ang mga katagang binigyang-diin ni Professor Antonio Calipjo Go, isang retired Private School Administrator, kaugnay sa pagkakaroon ng “ghost students” na benepisyaryo ng senior high school voucher program.
Sinabi ni Professor Go sa DWIZ na naniniwala siya na posibleng kasabwat ang Department of Education sa nasabing iregularidad.
Nabatid na sinasabing dawit ang 12 paaralan mula sa iba’t ibang lugar sa bansa sa pagkakaroon ng ghost students” na benepisyaryo ng SHS voucher program.
Iginiit din ni Professor Go na tila ipinapakita ng DEPED na wala itong accountability sa naturang alegasyon. – Sa panulat ni John Riz Calata