Pursigido ang Department of Education (DepEd) na kasuhan ang mga nasa likod ng mga nakalusot na maling self-learning modules na ginagamit ng mga estudyante.
Ito, ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ay kasunod nang inilunsad nilang error watch platform para tugunan ang mga concerns hinggil sa mga modules.
Sinabi ni Briones na hindi lahat ng mali sa mga module ay gawa ng DepEd at posible aniyang isa sa mga dahilan ng errors ay pagmamadali ng mga guro na ayusin ang mga modules para kaagad maibenta sa kanilang mga estudyante.
Una nang nagpasaklolo sa Department of Justice si Briones para maharap ang mga taong naninisi sa DepEd sa mga mali sa self-learning modules.
Mahigit 40 na ang mga natanggap nilang report hinggil sa mga factual at computational errors sa modules, gayundin sa format at grammar nito.