Puspusan ang paghahanda ng Department of Education sa pagpapatupad ng learning recovery program nito.
Kasunod na rin ito nang isinagawang 2022 national planning conference na may temang learning recovery, resiliency and unity.
Naka-sentro ang conference sa pagpapabatid sa mga field office nang pagkakasa ng BEDP 2030 o basic education development plan na kinabibilangan ng mga makabagong tugon at mga hakbangin mula sa lahat ng strand at unit ng DepEd para makatugon sa education needs sa sektor ng basic education .
Hinimok ni Vice President at education secretary Sara Duterte ang publiko na suportahan ang gobyerno para mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng evidence in planning, research programming at policy development.