Nagpaalala ang pamunuan ng Department of Education (DEPED) sa mga guro na huwag namang tambakan ng mga gawain ang kani-kanilang mga estudyante ngayong nasa ilalim ng ‘blended learning’ ang paraan ng pagtuturo sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Education Undesecretary Diosdado San Antonio, batid niya ang sitwasyon ng mga estudyante sa bansa lalo’t nakita niya ito mismo nang magsagawa ng monitoring sa Bicol Region.
Diin ni San Antonio, dapat na bigyan ng makatuwirang palugit o deadline ang mga estudyante para siguradong maayos na magagawa ng mga ito ang kani-kanilang dapat gawin.
Iginiit din ni San Antonio, na hindi ito ang panahon para maghigpit sa mga estudyante, sa halip ay panahon ng pagtutulungan lalo’t bago sa lahat ang pamamaraan ng ‘blended learning’.