Nilinaw ng Department of Education (DepEd) ang unang naging pahayag ni Education Secretary Leonor Briones sa Malacañang kaugnay sa ‘di umano pinahintulutan ng DepEd ang pagtatayo ng community learning hub ni Vice President Robredo para mga estudyante ngayong may pandemya.
Ayon sa DepEd pinayagan nito ang Office of the Vice President (OVP) na bumuo ng isang learning hub subalit hindi ang pagsasagawa ng face to face classes.
Sagot naman ni OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez ,ang mga naturang learning hub ay hindi binuo para sa face -to-face class kundi lugar para magbigay ng maayos na lugar at suporta para sa mga mag-aaral na walang maayos na kagamitan gaya ng internet.
Dagdag pa ng kampo ni Robredo, tinawag pa nga raw mismo ni Briones na ‘good initiative ‘ ang hakbang na ito noon subalit malinaw na walang kasunduan ang DepEd at OVP sa pagbuo ng learning hub.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan naman ang OVP direkta sa local DepEd divisions at sa LGU’s ani ni Gutierrez.
Samantala, mayroon ng kabuuang 11 learning hubs na naitayo ng OVP na may tinatayang may halos 2k na mag-aaral sa Luzon at Visayas.— sa panulat ni Agustina Nolasco