Naniniwala ang DEPED o Department of Education na hindi nasayang ang pagdaan ng school year 2020-2021 bagama’t ito ay natapos sa alternatibong pamamaraan na distance learning.
Aminado si Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na napaka “challenging” ng school year na ito para sa lahat dahil sa naging sitwasyon bunsod ng banta ng COVID-19.
Gayunman, binati ni Malaluan ang mga estudyante, guro at maging mga magulang na matagumpay na natapos pa rin ang school year,
Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa ilalim ng aternatibong pamamaraan ng pag-aaral ng mga bata.
Hindi aniya nasayang ang panahon dahil marami pa rin natutunan ngayon hindi lamang ang mga estudyante kundi maging ang kagawaran dahil sa mga kinaharap na pagsubok na makakatulong upang mas mapag ibayo pa ang susunod na pagbubukas ng klase sa gitna ng kinakaharap na pandemya.