Aalamin ng Department of Education o DepEd kung sapat pa sa kasalukuyang school year ang nalalabing bilang ng school days o mga araw na may pasok.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, marami nang nabawas sa dapat sana ay 195 school days para sa taong ito matapos makansela ang pasok dahil sa bagyo, tigil pasada at ASEAN Summit.
Sinabi ni Umali na posibleng ma – extend ang school calendar para mabayaran ng mga estudyante ang mga naideklarang araw na walang pasok.
Ang 15 araw aniya mula sa kabuuang 195 school days at maituturing na buffer time at maaaring nagamit na ng ilang paaralan kaya’t kailangan na ding magsagawa ng make up classes.