Iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbabasa ng mga kabataan ng pisikal na libro.
Binigyang halaga ni Duterte sa National Annual Congress ng Philippine Librarians Association ang pagbabasa ng libro sa kabila ng laganap na makabagong teknolohiya.
Pinuri rin ni Duterte ang mga librarian na aniya’y mayruon ding malaking papel sa paghuhubog ng tamang kaalaman ng mga bata.
Kasabay nito, umapela ng tulong ang pangalawang pangulo sa mga negosyante para makapagpatayo ng library o silid aklatan sa bawat bayan sa bansa partikular sa mga liblib na lugar.