Nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Education Secretary Leonor Briones.
Batay ito sa pinakahuling pagsusuri sa kalihim matapos namang amining infected siya ng nabanggit na virus noong nakaraang linggo.
Ayon kay Briones, natanggap niya ang negatibong resulta ng kanyang COVID-19 test mula kay Health Secretary Francisco Duque III kaninang umaga.
Sinabi ni Briones, wastong pagkain na sinabayan ng ilang tradisyonal na gamot ang nakatulong sa kanya para lumakas ang kanyang resistensiya habang nakikipaglaban sa COVID-19.
Sa ngayon, ani ng Briones ay patuloy pa rin niyang pinag-iingatan ang kanyang kondisyon, lalo’t mayroon pa siyang 25 mga staff na sumasailalim pa sa tests.
Abril 8 nang magsimulang sumailalim sa isolation ang 79 anyos na kalihim matapos lumabas na positibo siya sa COVID-19 batay sa kinuhang samples sa kanya noong Abril 2.