Nakalusot na sa Commission on Appointments o CA si Education Secretary Leonor Briones.
Sinabi ni CA Committee on Education, Culture and Sports Chairman Bam Aquino, na tiwala siya sa kakayanan ni Briones na pangunahan ang pagbuo sa pangarap na magkaroon ng magandang edukasyon ang bawat Pilipino.
Kumpiyansa rin si Senate Majority Leader Ralph Recto na magagastos ng wasto ng Department of Education o DepEd, sa pamumuno ni Briones, ang nakalaang pondo para sa kagawaran.
Kaninang umaga ay binusisi ng komite ang physical fitness ni Briones na pamunuan ang DepEd, gayun din ang paglalaanan ng pondo ng DepEd.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno