Siniguro ng Department of Education (DepEd) na walang dapat ipangamba sa hawaan ng COVID-19 sa pagbabalik ng face-to- face classes sa susunod na buwan.
Binigyang diin ni Health officer in charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga ipatutupad na safeguards para maiwasan ang hawaan ng virus sa mga eskwelahan.
Inamin naman ni Vergeire na hindi talaga maipapatupad ang physical distancing lalo na sa mga maliliit na classroom.
Kailangan aniya na tiyakin na masusunod ang mga panuntunan sa pag-iingat kasama na ang palagiang pagsusuot ng facemask sa mga bata.
Dagdag ni Vergeire, hindi rin magsasabay sabay ng recess upang maiwasan ang siksikan sa mga canteen.
Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na nasa low risk naman ang mga bata sa COVID-19 lalo na kung mababakunahan laban sa COVID-19.