Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang nationwide search public school teacher search 2023 Princess Maha Chakri Awards (PMCA).
Sinabi ng DepEd na layunin ng PMCA na kilalanin ang labing isang pinakamahusay nma guro mula sa pampublikong paaralan sa Southeast Asia.
Inihayag din ng DepEd ang mga kwalipikasyon tulad ng dapat makibahagi ito sa community at civic movements, lalo na sa lugar na ang edukasyon ay hindi gaanong accessible, nagpagtaguyod ng innovation sa pagtuturo, nakapagbigay ng inspirasyon sa pagpapaunlad ng mga estudyante at kapwa mga guro.
Ang mga gurong nominado ay dadaan sa screening sa school division office, regional office at central office sa pamamagitan ng international cooperation kasama ang Philippines PMCA Selection Committee.
Habang irerekomenda naman ng naturang komite ang mapipiling awardee para sa pag apruba ng kalihim ng DepEd at ieendorso ang nominado ng pilipinas sa pmca foundation para sa pag endorso ni Her Royal Highness (HRH) Princess Maha Chakri Sirindhorn’s.