Sisilipin na ng Department of Education o DepEd ang ulat ng Commission on Audit kaugnay sa 25.2 million pesos na halaga ng nasirang textbooks bunsod ng kakulangan ng warehouse facilities.
Una nang iniulat ng coa na nasa walundaan dalawampung libong grade 2 learning materials ang nabasa sa warehouse ng Lexicon Press Incorporated dahil sa depektibong gutter at downspouts” na nagresulta sa pagbaha.
Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na sila sa COA at nakatuon sa pagpapanatili ng transparency at accountability sa lahat ng kanilang transaksyon at responsableng delivery ng basic education resources at services.
Ang mga nabanggit na aklat na bahagi ng 72.1 million peso contract ay itinapon dahil sa mabaho nitong amoy at sanitation at health concerns.
Ini-award sa lexicon press ang kontrata para sa pag-reprint ng nasa dalawa punto apat na milyong grade 2 textbooks noong Pebrero taong 2016.