Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng face to face class sa 59 na paaralan sa kabila ng pandemya sa ika-15 ng Nobyembre.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, 59 na paaralan ang nakapasa sa “granular risk assessment as minimal or low risk”ng Department of Health.
Base sa timeline ng DepEd, aabutin hanggang Disyembre 22 ang inisyal na pilot face-to-face class at tatagal hanggang Enero 31, 2022 ang pilot study.
Patuloy pa rin na ine-evaluate at ina-identify ng DepEd ang iba pang paaralan para sa expansyon ng nasabing pilot run na inaasahang magsisimula sa Marso 7, 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho