Magsasagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng Department of Education (DEpEd) kasama ang mga school supervisors upang siyasatin ang anumang kakulangan sa kaalaman sa kasaysayan ng mga ito.
Tiniyak ni Education Secretary Armin Luistro na hindi nagkukulang ang kanilang opisina dahil sa patuloy aniya ang kanilang pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral sa kasaysayan ng bansa kahit na nagpatupad sila ng K to 12 program.
Matatandaang nadismaya ang Pangulong Noynoy Aquino sa kakulangan ng kaalaman ng ilang mga mag-aaral sa mga pambansang bayani.
Ito ay kaugnay sa pagtatanong ng maraming mag-aral kung bakit naka upo lamang sa buong pelikula ng Heneral Luna ang karakter ni Apolinario Mabini.
By Ralph Obina