Target ng Department of Education (DepEd) na buksan sa ika-23 ng Agosto ang bagong school year.
Ayon ito kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio dahil matatapos sa ika-10 ng Hulyo ang School Year 2020-2021 at halos anim na linggo lamang ang magiging bakasyon ng mga estudyante taliwas sa nakasanayang dalawang buwan.
Kaugnay nito, ipinabatid ni San Antonio na naghahanda na rin ang DepEd para sa aniya’y ideal scenario sa susunod na school year kung saan posibleng ipatupad ang limitadong in-person classes kasabay pa rin ng distance learning modalities.
Kasabay nito, tiniyak ni San Antonio ang higit pang pagiging responsive ng DepEd sakaling magpatuloy ang remote learning sa bagong school year.