Target ngayon ng Department of Education na maisama ang ilang eskwelahan sa Metro Manila sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, isang paaralan sa kada lungsod sa National Capital Region ang nais nilang makasama o makilahok sa naturang pilot run.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga alkalde sa Metro Manila para matukoy ang mga gagamiting eskwelahan.
Sakaling maging maganda ang resulta sa pilot run ng face-to-face classes ay agad na ikakasa ng DepEd ang mas pinalawak na face-to-face classes sa March 7, 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero