Tatanggap pa ang Department of Education (DepEd) hanggang sa katapusan ng buwang ito ng mga enrollees para sa school year 2021-2022.
Ito ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo ay para mabigyan ng sapat na panahong makapag register ang mga magulang at estudyamte.
Ipinabatid ng DepEd, na sa kasalukuyan nasa mahigit 4.3 million ang nakapagpa-rehistro sa kinder, grades 1, 7 at 11 para sa bagong school year.
Ang CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamataas ng registered students na nasa 437, 561 sinundan ng Central Visayas – 395, 830 at Western Visayas – 365, 361.
Natutuwa naman si Education Secretary Leonor Briones sa resulta ng early registration na aniya’y lumampas pa sa kanilang inaasahang bilang ng mga mag a aral at magulang na handang pasimulan o ituloy ang pag aaral ng mga nasabing estudyante.