Tatanggap pa rin ng enrollees ang Department of Education (DepEd) hanggang sa pagbubukas ng klase sa August 24.
Ito ayon sa Department of Education (DepEd) ay dahil sa pitong milyong estudyante pa ang bigong makapag enrol sa itinakdang enrolment period.
Sinabi ni Education Undersecretary Revsee Escobedo na maraming hindi nakapag enrol dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic tulad ng mga magulang na natatakot para sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Tinitiyak naman aniya nila ang kaligtasan ng mga bata sa pagpapatupad ng blended learning sa pasukan ngayong taon.
Ipinabatid ni Escobedo na nasa 300,000 estudyante rin aniya mula sa private schools ang lumipat na sa public schools dahil maraming magulang naman ang nawalan ng trabaho sa panahon ng lockdown bunsod na rin ng COVID-19.