Tinanggap ng DEPED o Department of Education ang paghingi ng paumanhin ng World Bank sa paglalabas nito ng “premature” report kaugnay sa “learning assessment” ng mga estudyanteng pinoy.
Ayon sa DEPED, umaasa sila na ang naging pahayag ng World Bank ay isang katunayan ng pagsisikap ng ahensya para mas mapag-ibayo pa ang sektor ng edukasyon sa bansa.
Higit pa umano sa pag-amin ng pagkakamali ng world bank, nais nilang bigyang diin dito ang committment ng kagawaran sa pagbuo ng mga hakbang na magpapabago sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Una rito, sinabi ni Sec. Leonor Briones na inaasahan ng ahensya ang paghingi ng apology ng World Bank dahil sa tila pang-iinsulto at panghihiya nito sa Pilipinas dahil sa inilabas na ulat.