Tinitignan ng Department of Education (DepEd) na simulan ang klase para sa school year 2022-2023 sa August 22.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Ruby Torio, mayroon na silang draft ng proposed school calendar para sa susunod na taon.
Pero ito aniya ay nakadepende sa aprroval ni Executive Committee Head Education Secretary Leonor Briones.
Una nang sinabi ng DepEd na nais nitong ma-implenta sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa ang face-to-face classes.