Tiniyak ng Department of Education o DepEd na maipapa-alam sa mga magulang ang ukol sa ipatutupad na random drug testing sa mga paaralan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, walang dapat ipag-alala ang magulang lalo na kung alam ng mga ito na hindi naman gumagamit ng iligal na droga ang kanilang mga anak.
Siniguro din ni Briones na gagawing pribado ang pagsalang sa drug test ng mga estudyante at hindi rin isasapubliko ang pangalan ng mga ito.
Dagdag pa ng kalihim, hindi lamang mga estudyante mula sa elementarya at high school ang isasalang sa random drug test kundi maging ang mga guro at DepEd personnel.
By Ralph Obina