Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na sapat ang mga silid aralan para sa K to 12 program sa darating na pasukan.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, maayos ang kanilang naging preparasyon sa usapin ng silid aralan at pasilidad para sa Senior High School.
Malaking tulong aniya ang pataas na pataas din na budget ng DepEd.
Sa ngayon, ay tinututukan din ng kagawaran ang teacher to pupil ratio na kasalukuyang nasa 1 is to 32.
Ngayong darating na pasukan ay sisimulan nang i-offer ng mga pampublikong paaralan ang grade 12.
By Ralph Obina
DepEd tiniyak na sapat ang mga silid aralan para sa K to 12 program was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882