Tiniyak ng Department of Education na ‘culturally sensitive’ ang mga isasagawang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nakikipag-ugnayan na ang DEPED sa ilang stakeholders kabilang na ang mga health service providers at community organization upang matiyak na epektibo at culturally sensitive ang mga gagawin nilang mga programa.
Ito’y matapos magpahayag ng pagkabahala ang National Coalition for the Family and the Constitution hinggil sa mga diskusyon sa mga konseptong nakapaloob sa ilalim ng Comprehensive Sexuality Education (CSE).
Dahil dito, iginiit ni Secretary Angara na bukas ang ahensya sa mga rekomendasyon kaugnay sa nasabing isyu at nakikinig sila sa sentimyento ng publiko.